Dating DOH Sec. Duque, iaapela ang kasong isasampa laban sa kanya

Maghahain umano ng motion for reconsideration si dating Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa utos ng Office of the Ombudsman na isama siya sa pagsasampa ng graft charges dahil sa umano’y iregularidad sa pagtransfer ng mahigit P41 billion sa procurement ng health supplies.

Giit ni Duque, normal lamang noon na maghanap sila ng medical supply hanggang foreign sources, maging mura man ito o mas mahal dahil sa pangangailangan para sa mga health workers.

Sinabi rin ng dating kalihim na may mga basehang batas ang kanilang ginawang procurement, kaya umaasa siyang maikukunidera ito ng Ombudsman.

Mababatid na kasamang pinakakasuhan ng Ombudsman si dating Budget Usec. Christopher Lao dahil sa umano’y iregularidad noong kasagsagan ng pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *