MANIBELA: bakit ‘di tinututukan ng gobyerno ang mga kolorum na biyahe

Patuloy daw idiriin ng grupong MANIBELA ang kanilang panawagan na palawigin pa ang deadline para sa franchise consolidation.

Ito ay kahit sinabi na ng LTFRB na pinal na at non-negotiable na ang extension para rito.

Ayon kay MANIBELA president Mar Valbuena, kataka-taka raw kasi kung bakit tila’y pinag-iinitan ang mga traditional jeepneys.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Imbis daw na patayin ang kanilang pangkabuyahan – bakit hindi raw tutukan ng gobyerno ang mga hakbang laban sa mga colorum na mga biyahe.

Sabi ni Valbuena, dapat tulungan ng pamahalaan ang mga nahihirapang lehitimo na mga PUVs na makapag-rehabilitate.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Kung maaalala – kahapon nang imungkahi ng MANIBELA ang mga ‘modernized’ traditional jeepneys kung saan, ang anyo nito ay ‘yung traditional dyip pa rin, pero mas malaki na ang headroom nito at tiyak na road-worthy.