Mangingisdang namaril sa Siruma, Camarines Sur, arestado; insidente unang naitalang paglabag sa COMELEC Gun Ban ng PNP sa lugar

NAGA CITY – Arestado ang 33 taong gulang na mangingisda na si alyas Jojo, matapos itong lumabag sa COMELEC Gun Ban, kahapon sa Brgy. Vito, Siruma, Camarines Sur.

Sa panayam kay PCPT. Jessie Abel Portugal Jr, lumabas sa imbistigasyon na matapos komprontahin ng suspek ang bayaw habang naka-inom dahil sa dating alitan, naitulak siya nito saka ito humugot ng baril na bigo niya namang mabaril ang biktima dahil sa nahulog ang bala.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kung saan agad namang nakapagresponde ang barangay tanod matapos na makahingi ng tulong asawa ng biktima na ikinahuli ng suspek, saka na lamang itinurn-over sa himpilan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Narekober mula sa suspek ang isang improvised Caliber 22 Pistol na walang serial number at isang piraso ng Caliber 22 na bala.

Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammonization Regulation Act, ang ipapataw sa nahuli na ngayon ay inihahanda na.