KORONADAL CITY – ITINANGHAL bilang Most Outstanding Model Indigenous People (IP) Family sa lalawiagn ng South Cotabato ang pambato ng bayan ng Tupi.
Sa isinagawang awarding ceremony kasabay ng Provincial IP Day celebration, nagwagi ang pamilya nina Mr. Roberto at Mrs. Rosali Magon. Bilang premyo, ang mga ito ay nakatanggap ng P 50,000 at trophy.
Samantala, 1st runner up naman sina Mr. Jessie at Mrs. Donet Bento and family ng Lake Sebu na nakatanggap ng P 30,000 at 2nd runner up sina Mr. Jun at Mrs. Lilia Ula and family ng Polomolok na nakatanggap ng P 20,000.

Layon ng Search for Outstanding Model IP Family na kilalanin at parangalan ang mga modelong mag-asawa at kanilang mga anak na nagpapakita ng mabuting pamamahala sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagmamahalan, pagpapakumbaba, pagpapahalaga sa edukasyon, pagsisikap, pagmamahal sa Diyos at serbisyo sa kapwa.
Ang Search for Most Outstanding Model IP Family ay taunang isinasagawa sa South Cotabato sa pangunguna ng Provincial Population Office.