Bukas na simula ngayong darating na Sabado Oktubre 28 ang Commission on Election (COMELEC) Command and Operations Center 24/7, ayon kay COMELEC Chairman George Garcia.
Layon ng command center na masubaybayan ang mga aktibidad sa pagtatapos ng campaign period ng Barangay At Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) hanggang sa mismong araw ng botohan sa Lunes.

Ayon kay Garcia, nais nilang masiguro na may naka-monitor sa posibleng mga iregularidad sa halalan at bukod dito ay tatanggap din ng mga reklamo sa mga posibleng vote buying incident sa mismong araw ng election.
Nabatid na bukod sa COMELEC, may mga tauhan rin ng Department of Education (DepEd) at Philippine National Police (PNP) ang nakatalaga sa mga command center na mangangasiwa ng sa mga aktibidad BSKE.
Ang naturang center din ang siyang opisyal na pamamahagi ng mga kagamitan sa BSKE, pagbabayad ng honoraria sa mga guro, at proklamasyon ng mga nanalong kandidato.