LEGAZPI CITY – Aabot pa sa mahigit kumulang 200 Overseas Filipino Worker’s (OFW) ang inaasahang uuwi ng Pilipinas dahil sa tensyon o kaguluhan na nangyayari sa Afghanistan.
Ayon kay Rowena Alzaga, ang Regional Information Officer ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol, base sa kanilang datus nasa 49 na Bicolano umano ang nagtatrabaho sa nabanggit na bansa ang papauwiin muna.
Karamihan sa mga Bicolano ofw ay nagtatrabaho bilang skilled workers, donestic workers o land base workers
Aniya, bukas din naman ang kanilang communication sa central offices para sa pagrepatriate ng mga OFW papauwi ng bansa.
Nilinaw din nito na hindi pa kompirmado nito kung kasabay sa 200 Ofw ang inaasahan na uuwi ng bansa.
Handa rin naman tulungan ng ibat ibang ahensya ang mga ofw sakaling mawalan ito ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng reintegration program o pagbibigay ng livelihood program at iba pa.