Handa ang China na bumuo ng ugnayan kasama ang Afghanistan matapos makontrol ng Taliban ang nasabing bansa.
Ayon sa China, welcome sa kanila ang pagkakataon na mapalalim ang ugnayan nito kasama ang Afghanistan, na ilang henerasyon napagkaitan ng geo-strategic importance ng makakapangyarihang bansa.
Inihayag ni foreign minister spokeswoman Hua Chunying na matagal nang hinihiling ng Taliban mula sa China ang pagkakaroon ng isang magandang relasyon.
Anya, umaasa rin ang grupo na makakatulong ang ang Beijing sa rekonstruksyon at development ng Afghanistan.

Mababatid na nahahati ang China at Afghanistan sa pamamagitan ng 76-kilometer border ng dalawang bansa.
Matagal na rin pinangangambahan ng Beijing na posibleng magsilbi ang Afghanistan bilang staging point para sa minority na Uyghur separatists.
Gayunman, nakipagkita na ang top-level Taliban delegation kay Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Tianjin noong nakaraang buwan, kung saan ay ipinangako ng grupo na hindi magagamit ang Afghanistan bilang base ng mga militante.