Management ni BTS member Suga muling naglipawanag hinggil sa drunk driving case ng Kpop Idol

Muling naglabas ng statement ang management ni BTS member Suga matapos makatanggap ng puna ang una nilang inalabas na pahayag tungkol sa pagkakahuli ng awtoridad sa Kpop idol.

Nitong nakaraang linggo pinag-usapan online ang tungkol sa pagkakasangkot ni Suga sa pagmamaneho umano ng lasing.

Ayon sa agency, nahulog si Suga sa kanyang “electric kickboard” habang nagpa-park ito sa harap ng bahay niya sa Seoul, South Korea.

Nang lapitan ng mga otoridad, nakumpirma agad ng nasabing pulis na nakainom nga si Suga kaya isinama niya ito sa presinto para sumailalim sa breathalyzer test.

Inamin din ni Suga ang pagkakamali kaya’t anuman ang parusang ipapataw sa kanya ay bukal sa puso niya itong tatanggapin.