Inihayag ng Philippine Olympics Committee at National Golf Association of the Philippines na nalungkot sila sa mga narinig na balita at isyu hinggil sa uniporme ng dalawang Filipina golfers na pambato ng Pilipinas sa Paris Olympics na sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan.

Ayon sa POC, nagpadala ng paunang golf uniform design ngunit hindi ito inaprobahan. Ang revised design ay ipinadala lamang isang linggo bago ang opening ceremony.
Dagdag pa ng POC, ibinigay din ang kanilang uniporme na binili sa Paris, ngunit parehong pinili nina Ardina at Pagdanganan na suotin ang kanilang dalang damit.
Giit ng ahenysa na isa itong isolated case at wala umanong katiwalaang nangyari.
Mababatid na kumalat sa social media na ipinakita ni Ardina ang kanyang pagkadismaya tungkol sa kanilang mga uniporme na DIY lang ng dalawang atletang golfer.