Umapela si dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin sa Gobyerno na palawigin na ang coverage ng mga maaaring maturukan ng ikalawang dose ng COVID-19 booster shots.
Sa ngayon kasi, piling mga sektor pa lamang ang pinapayagan sa 4th dose ng bakuna dahil hindi pa rin inirerekumenda ng DOH ang pag-administer nito sa general population.
Ayon kay Garin, dapat ay mabigyan na ng option ang publiko kung gusto na nitong magpaturok ng 2nd dose para makumpleto na ang kanilang proteksyon laban sa nakahahawang virus.
Muli rin nitong ipinunto na wala namang nao-overdose sa bakuna at ang kahalagahan ng booster shots para mapalakas pa ang immunity laban sa COVID-19.
Giit ng mambabatas, sa mga nagsilabasang variants daw kasi nito – dapat ay mabago na ang depinisyon ng ‘fully-vaccinated’ na indibidwal.
Sahil sa waning immunity o ang paghina ng bisa ng bakuna, kulang na kulang aniya ang primari series ng bakuna sa bansa.
#