Mariing tinututulan ng isang Kongresista ang isinusulong na Peoples Initiative (PI) kung kaya suportado raw niya ang ginawang pagsuspinde dito ng Comission on Election (COMELEC).
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sinabi nito na isa siya sa tumututol sa Charter Change dahil sa aniya’y maduming proseso nito.
Dagdag pa ng mambabatas, bagaman aniya’y pabor sila sa naging desisyon ng COMELEC sa pagpapatigil sa PI, ay mas makabubuti aniya kung tuluyan na itong ibabaura.
Kung maalala, sinuspinde ng COMELEC ang lahat ng proceedings may kaugnayan sa PI bilang paraan ng pag amienda sa konstitusyon upang mapag-aralan pa umano ang mga guidelines para sa pagsagawa ng naturang inisyatibo.