Mambabatas, nababahala sa pagtaas ng underemployment rate sa bansa

Nagpahayag ng pagkabahala si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa tumataas na underemployment rate sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 4.2 percent habang ang underemployment rate ay tumaas sa 14.4 percent noong Nobyembre 2022.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa pagtaas ng underemployment rate, lalo pang isinulong ni Villanueva ang pagkakaroon ng komprehensibong National Employment Action Plan.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Noong nakaraang taon, inihain niya ang Senate Bill No. 129 o ang Trabaho Para sa Lahat ng Pilipino Act.

Nakatakda nang talakayin sa komite sa senado ang nasabing panukala sa January 24.//CA