PDEA, pag-aaralan mabuti kung bakit pinawalang-sala ng Las Piñas RTC si Remulla sa kasong posession of drugs

Pag-aaralan mabuti ng Philippine Drug Enforcement Agency kung bakit pinawalang-sala ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 197 si Juanito Remulla III sa kasong possession of illegal drugs.

Sa isang pahayag sinabi ng PDEA na ginagalang nila ang desisyon ng korte ngunit maingat nilang pag-aaralan ang mga dahilan kung bakit napawalang sala si Remulla.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Matatandaang ang mga PDEA agents ang naka aresto kay Remulla sa isang controlled delivery operation sa Talon Dos, Las Piñas City noong October 11. Nakuha mula sa operasyon ang isang parcel na naglalaman ng P1.3 milyong halaga ng hinihinalang kush o high-grade marijuana.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon sa Las Piñas RTC  197, nabigo ang prosekusyon na magbigay ng ebidensya, na inaasahan ni Juanito na tatanggap siya ng isang package ng iligal na droga.//CA