Malnutrisyon at pagka bansot prayoridad na masolusyonan ng Naga City Health Office

NAGA CITY – Puspusan ang ginagawang pag monitor ngayon ng City Health Office sa tamang nutrisyon, dapat may kompletong vaccines at vitamins sa mga sanggol at sa mga batang hanggang anim na taong gulang.

Ang mga barangay health care workers ang katuwang sa pagpatupad ng programang ito para matiyak na nakukuha ng mga sanggol at mga bata ang health benefits na para sa kanila.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Pinakalayunin nito ay upang malabanan ang problema at isyu sa malnutrisyon at pagka bansot.

Ayon kay Magno Reyes, head ng BHW at in-charge sa vaccination activities sa mga barangay, sinabi niyang walang problema sa vaccines, sa mga vitamins at iba pang gamot para sa mga bata dahil kompleto nila itong nakukuha sa Department of Health Regional Office.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Reyes, sinabi niyang very cooperative naman ang mga magulang dahil sa payag naman ang mga itong maiturok ang lahat ng vaccines sa kanilang anak.