Huling araw ng pagpaparehistro sa COMELEC Albay para sa barangay at SK elections, naging matagumpay

Matagumpay na naisagawa ang huling araw ng pagpaparehistro sa Commission on Elections (COMELEC) para sa barangay at SK elections na ginanap sa isang mall sa Legazpi City, Albay noong Enero 31, kung saan may mga humabol pang magparehistro at naitala ang 184 sa Legazpi at 36 naman sa Camalig.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Atty. Ma. Aurea Bo-Bunao ng nasabing komisyon, inihayag niyang ito ang mga taong nakahabol sa cut-off, at nasa loob pa ng vicinity bago mag alas 5 ng hapon.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Aniya, natapos ang pagpaparehistro sa oras na alas otso ng gabi.

Gayunpaman, wala na umanong extension na ibinigay ang COMELEC at hindi na pahihintulutan pang magparehistro sa loob ng 120 days bago ang eleksyon.