Maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Sur, pinagbanawalan munang maglayag dahil sa Amihan

NAGA CITY- Pinagbawal muna ng Phippine Coast Guard ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Sur dahil sa Amihan.

Sa sea travel advisory ng PCG kaugnay ng gale warning #7 ng PAGASA, inaalerto ang mga bangkero sa malalakas na alon.

Read More:  Ambulance caught carrying ₱1.08 million smuggled cigarettes in Lanao del Norte

Sa Mapid, Lagonoy , Camarines Sur dinala na sa mas mataas na lugar ang mga bangka upang maiwasang masira dulot ng paghampas ng alon.

Read More:  2 children die after electrical incident at Cauayan school fun run

Sa Siruma naman , sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer  Cyril Barbosa , inabisuhan na ang mga mangingisda na huwag pumilit lalo na nag mga nakakarating sa dagat pasiko.

Hangad ng PCG ang kaligtasan ng mga bangkero, pasahero’t mangingisda.