Nakuha na ng Philippine women’s national football team ang ticket nito sa Asian Football Confederation (AFC) Women’s Asian Cup sa India matapos nitong talunin ang Hong Kong sa score na 2-1, sa qualifiers na ginanap sa Jar Stadium sa Uzbekistan kagabi.
Si Tahnai Annis ang umiskor ng unang goal para sa Malditas sa 17th minute ng laro, na ikalawang goald nito sa loob ng maraming laro na nakasama niya ang kuponan.

Sumunod naman ang isa pang goald ni Chandler McDaniel sa 88th minute ng laro.
Dahil sa panalo ay nangunguna ang Pilipinas ngayon sa Group F at ika-10 naman overall sa AFC Women’s Asian Cup.
Mababatid na draw lang talaga ang kinailangan ng Pilipinas para makakuha ng ticket papuntang India.