Nagbitiw sa puwesto si Malaysia Prime Minister Muhyiddin Yassin matapos ang ilang buwan ng “political turmoil” na nagresulta sa pagkawala sa kanya ng premier’s majority.
Isinumite ni Yassin ang kanyang resignation sa King na si Science Minister Khairy Jamaluddin.
Ayon sa report, ilang buwan na ring nagkakaroon ng “infighting” sa kanyang coalition.
Pinaniniwalaan namang makakaapekto sa effort ng Malaysia na ma-reboot ang kanilang pandemic-stricken economy at ang pagpigil sa resurgence ng COVID-19 cases ng kanilang bansa lalo na at wala pang malinaw na successor sa iniwang puwesto ni Muhyiddin.
Hindi pa rin malinaw sa ngayon kung sino ang mga bubuo ng susunod na gobyerno kung saan wala pa sa parliament ang mayroong majority o kung magkakaroon ng eleksyon habang may pandemic.
Matatandaan din na ang Malaysia ang mayroong pinakamataas na infection at fatality rate ng COVID-19 sa buong Southeast Asia.