Malawakang clean up-drive ikakasa sa mga barangay sa Naga kaugnay ng mataas na kaso ng dengue

NAGA CITY- Ikakasa ang malawakang clean-up drive sa Naga City kaugnay ng mataas na kaso ng dengue kung saan mula Enero hanggang Hunyo 2022, 93 na ang kaso batay sa record na inilabas ng City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) na mula naman sa City Health Office.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Liga ng mga Barangay President Ason Peñaflor. Aniya kakausapin niya ang mga kapwa kapitan upang gawin ang naturang hakbang, linisin ang mga kanal at alisin ang mga itinatambak na basura sa may damuhan.  Sa Barangay Calauag naglalagay ng tablet pangontra sa lamok sa ilang mga kanal.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Samantala, kontra ang maraming mga residente sa fogging , lalong nagkakasakit ang reklamo ng mga residente. Pero kung kinakailangan , kukunsultahin muli ang mga residente pero binigyang diin ni Peñaflor na dapat tutukan ang search and destroy ng mga pinangingitlugan at pinamumugaran ng lamok.