Sinimulan na ng Comelec ang pagpapadala ng mga balota nationwide para sa May 9 elections.
Ayon kay Provincial Comelec spokesperson Jomel Ordas , uunahin ang mga bayan ng Cuyo , Agutaya at Magsaysay sa actual deployment ng mga balota na inaasahan ngayong araw hanggang bukas.
Isusunod dito ang munisipyo ng Cagayancillo , kalayaan Coron , Puerto Princesa City at mga nasa mainland muciplaities.
Dagdag Ordas , target na maipamahagi ang lahat ng mga balota pagdating ng April 29 hanggang May 7.
Bukod sa mga balota kasamang ipapamahagi ang iba pang election materials na direktang ibibigay sa bawat munisipyo at lungsod ng Puerto Princesa.