Koreano na nanakit sa kanyang live –in partner na Palaweña, kinasuhan na

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004) ang koreano nanakit sa live –in partner nitong Palaweña.

Ayon kay Lt. Col Salvador Tabi spokesperson ng Puerto Princesa City Police Office, nag-ugat ang insidente nang kinompronta ng suspek na si Oh Hoon Kwon @ Steve Kwon ang biktimang si Joyce Abrantes Galang tungkol sa kapatid ng biktima na nakaaway ng suspek.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless
Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows

Nagtamo ng matinding tama sa iba’t ibang katawan ang biktima nang paghahampasin ng golf stick ng suspek.

Matatandaan , nangyari ang pananakit sa biktima sa Purok Maligaya 1, National Highway, Barangay Tagburos, Puerto Princesa City nitong April 18, 2022.