Paalala para sa mga motorista — mas mataas na multa na ang sisingilin sa mga mahuhuling dadaan sa EDSA Bus Carousel simula ngayong araw.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng babala sa mga motorista na hindi sumusunod sa Batas Trapiko.
Sabi naman ni Usec. Procopio Lipana, General Manager ng MMDA, wala nang pagbibigyan na mga motorista ngayong araw dahil sapat ang pagbibigay ng abiso ng ahensya.

Sinabi ni Lipana na kung talagang may emergency, pwedeng magpaalam o makipag-coordinate sa mga bantay na tauhan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACT) bago pumasok sa busway para matawagan ang mga enforcer sa kahabaan ng EDSA at hindi sila mahuhuli.
Giit ng MMDA General Manager, kapag nahuli sa bus lane at tumakbo o tinakasan ng isang motorista, agad itong papatawan ng third offense.
Nabatid na ipatutupad na ngayong araw ang multang P5K mula P1K para sa first offense; P10K naman sa ikalawang paglabag at isasailalim sa road safety seminar at pati na rin isang buwan na suspensyon ng lisensiya.
Samantala, P20K at isang taong suspensiyon ng lisensiya naman sa third offense; habang P30,000 at tuluyang pagkansela naman ng lisensya para sa fourth offense.