Nais daw ni Pangulong Bongbong Marcos na maprotektahan ang Board ng Maharlika Investment Fund o MIF sa impluwensya ng pulitika.
Ito raw ang isa sa dahilan ng pag repaso sa implementing rules and regulation o IRR ng MIF.

Sa isang statement, sinabi ni Rosalia de Leon, Monetary Board Member at dating Treasurer ng bansa na layunin din ng pag alis sa qualifications sa IRR ay para bigyan ng higit na kalayaan ang Board sa pagtukoy ng specific qualifications ng iba pang opisyal ng Maharlika Investment Corporation, upang maisakatuparan ang kanilang mandato na maayos na pamahalaan ang MIF.
Nabatid sa inilabas na revision ng IRR ng MIF, niluwagan ang kwalipikasyon sa mga myembro ng board, inalis ang mga dating qualifications na dapat ang miyembro ng board ay may master’s degree, may sampung taong karanasan sa finance, investments, o economics at may magandang track record at ethical standard.