Malaking hakbang kontra terrorismo ang pagkakaaresto sa financier ng ISIS – ATC

Naniniwala ang Anti-Terrorism Council o ATC na isang malaking hakbang sa kampanya ng bansa laban sa terorismo ang pagkaka-aresto kay Myrna Mabanza, ang itinuturing na financer ng teroristang grupong ISIS.

Sa isang pahayag na inilabas ng ATC na pinamumunuan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, tinukoy nito ang pagka-aresto kay Mabanza bilang positibong resulta sa laban ng Pilipinas sa terorismo at terrorism financing.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Binigyang-diin din ng tanggapan na makakatulong din ito sa pagsisikap ng bansa na maka alis sa grey list ng Financial Action Task Force o FATF.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Napag-alamang idineklara ng Estados Unidos si Myrna Mabanza bilang isang Specially Designated Global Terrorist, kung saan kahanay niya si Abu Bakr Al Baghdadi, ang founder ng ISIL sa Iraq, pati na rin si Isnilon Hapilon, ang dating Emir ng IS Philippines.