LEGAZPI CITY – Tiniyak ni Executive Secretary Victor Rodriguez na kukumpletuhin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ang Bicol Railway bilang bahagi ng kanyang pangako na tapusin ang “lahat ng mga kasalukuyang proyekto ng riles” na nakasaad sa kanyang State of the Nation Address nito lamang Hulyo.
Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, sinigurado ng Malacañang na tatapusin ang nasabing proyekto na magiging backbone ng “Bicol-Waray-Southern Tagalog” economic axis.
Aniya, magiging prayoridad pa rin umano ito ng administrasyon Marcos ang Bicol Railway na isa sa naging commitment sa lahat ng mga kasalukuyang proyekto.
Ang Albay ay isa rin umano sa pinakamaraming bilang na population sa buong baybayin ng Pacific seaboard Dagdag pa nito, ito rin ang nagho-host ng Bicol International Airport na talagang makakapagserbisyo sa Rehiyon VIII, Mimaropa at na siyang economic catch-up region ng Visayas.
Kung maiugnay nito ang National Capital Region o ang Maynila, Albay, at ang Rehiyon ng Waray nang magkasama sa pamamagitan ng isang network ng mga imprastraktura ng transportasyon na backboned sa pamamagitan ng tren, mapapabilis ang pag-unlad at pagkakaugnay-ugnay ng ekonomiya sa pagitan ng mga rehiyong ito.
Pinagtibay rin ng Kongresista ang pahayag ng pangulo na ang riles ay ang pinakamurang paraan sa transportasyon ng mga kargamento at mga pasahero.
Maliban pa rito ang railway sa kasaysayan ay naging daan upang mahikayat ang pag-unlad mula sa mga sentrong pang-ekonomiya hanggang sa mga periphery ng ekonomiya.
Bicol railway ay magiging backbone ng isang umuusbong na Bicol-Mimaropa-Waray economic axis.
Sinabi pa ni Salceda kung uulitin nila ang kanilang offer na 3% per annum, sa inflationary global environment na ito gumagawa na rin ito ng alternatibong financing para palakasin ang posisyon sa pakikipagnegosasyon at tulungan ang administrasyon.