2 hinihinalang NPA patay sa engkwentro sa Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang dalawang hihininalang miyembro ng rebeldeng grupo sa engkwentro sa Iriga City, Camarines Sur.

Sa ulat ng 9th Infantry Division Phil. Army, nangyari ang bakbakan sa Barangay San Vicente Norte, Iriga City bandang alas 12:30 Martes ng tanggali.

Nakatanggap ng ulat ang tropa ng pamahalaan ukol sa presensya ng mga rebelde. Kaagad na nagsagawa ng joint combat operations na nag resulta sa bakbakan sa pagitan ng mga militar at tinatayang limang communist terrorist group.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nakasaad pa sa ulat na kinilala ng Commanding Officer ng 49IB na si Lt. Col. Jerome Cabigon, ang isa sa mga nasawi; ito ay si Danilo Bodino aka Aryong/Elsie and Billy, commander ng platoon BUFF ng Larangan 1, Komiteng Probinsya 5 (L1, KP5), BRPC.

Narekober naman ang M16 rifle, laptop, cellphones at assorted terroristic propaganda materials.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay MGen Alex Luna, Commander of 9th Infantry (SPEAR) Division and Joint Task Force Bicolandia (JTFB) :

“Tayo po ay nalulungkot dahil may buhay na naman na nasayang at pamilyang naiwan. Matagal na po nating inuulit-ulit ang mga programa ng gobyerno na naghihintay at nakalaan sainyo (CTG). Maawa na lang kayo sainyong mga sarili lalong-lalo na sainyong mga pamilya na umaasa at nangangarap din ng tahimik na buhay kasama kayo.”