Tinawag na ‘fake news’ o walang katotohanan ang mga kumakalat na balita sa social media na umano ay nagbitiw sa kanyang pwesto si Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez, nananatili ang ang full trist and confidence ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Teodoro.
Ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanyang pagbibitiw ay isa umanong desperadong tangka upang maghasik ng pagkakawatak-watak sa isang organisasyong nagkakaisa sa layuning protektahan ang ating bayan at ipagtanggol ang ating teritoryo.
Hindi rin aniya dapat idamay ang ating mga sundalo sa maruming pulitika na walang puwang sa hanay ng mga nagsisilbi sa bayan.