Ilang kongresista, itinangging may kaugnayan sa 2028 elections ang pagtalakay sa budget ng Office of the Vice President

Walang kinalaman sa 2028 presidential elections ang ginawang hakbang ng Kamara sa panukalang budget ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.

Ito ang iginiit ng Young Guns sa Kamara kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte sa isang recorded interview na laging inaatake ang pangalawang pangulo na nakikita ng mga tao na posibleng susunod na presidente ng Pilipinas kaya hindi dapat sila magpadala sa ingay ng pulitika.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Sinabi ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez na wala itong katotohanan at marahil ay “playbook” ito ng nagdaang administrasyon.

Wala aniya siyang pakialam kung sino ang magiging pangulo sa 2028 dahil nakatutok sila sa kasalukuyang budget.

Naniniwala rin si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na ang tunay na namumulitika ay ang nag-aakusa sa Kongreso gayong ang pagbusisi sa panukalang budget ay bahagi ng mandato at sinumpaang tungkulin ng mga mambabatas.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ipinunto ni Adiong na mas mahalaga para sa Kamara ang pagsisigurong epektibong makagaganap ang buong burukrasya at matutugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng pondo at programa.

Dagdag pa ni La Union Representative Paolo Ortega, karamihan ng mga sinabi ni Duterte ay pag-atake sa kanyang sarili dahil ang Kamara ay tumitingin sa mga isyu at kung may kritisismo man ay nagmumungkahi naman sila ng solusyon.