Nilinaw ng Palasyo na walang balak ang Gobyerno na ideklara na rin bilang holiday ang October 31, araw ng martes sa susunod na linggo.

Kung maaalala, naipit ang naturang petsa sa pagitan ng magkakasunod na holidays.
October 28 at October 29 ay weekend, at kinabukasan ay holiday na ang October 30 para sa araw ng Barangay at SK Elections; Nov. 1 na All Saints’ Day; at Nov. 2 na All Souls’ day.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil – hanggang sa ngayon daw ay wala pa ring desisyon ang Executive Secretary hinggil dito.