Malacañang dumenpensa sa travel expenses ng Pangulo

Dinepensahan ng Malacañang ang pagtaas ng travel expenses ng Office of the President matapos maglabas ng datos ang Comission on Audit para sa taong 2022.

Ayon kay Press Secretary Cheloy Garafil, malaking bahagi ang pandemya kung bakit ito tumaas.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Nagsimulang lumipad ang pangulo sa iba’t ibang bansa upang siguraduhin ang mga programa, proyekto, at tulong ng gobyerno ay makakarating sa mga nilalayong makikinabang bilang bahagi ng mga pagsisikap sa pagbawi matapos ang lockdowns.

Dagdag pa nito, ang direktang pag-uugnay sa mga lokal na pamahalaan, lokal na komunidad at sektoral na grupo ay isang mahalagang bahagi ng proseso.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Bukod pa rito ang mga imbitasyong natanggap ng president sa iba’t ibang international events, na makakabenepisyo raw sa bansa na itaas ang posisyon sa internasyonal na komunidad.