Malacañang, bumuo ng special committee para sa LGBTQIA+ community

Bumuo ang Palasyo ng Malacañang ng special committee para sa lesbian gay, bisexual, transgender, queer, intersex at asexual o LGBTQIA+ community.

Sa bisa ito ng Executive Order number 51 na inisyu ni Pangulong Bongbong Marcos.

Naka saad sa 5 pahinang EO na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon, nakita umano ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na pagtibayin ang Diversity at Inclusion program, para matiyak na patuloy na nakasusunod ang bansa sa International Covenant on Civil and Political rights.

Read More:  CHED open to suggestions on proposed Reframed General Education curriculum

Sinabi pa ng Pangulo na ang pagbuo ng special committee para sa LGBTQIA+ community ay layong palakasin ang mga umiiral na mekanismo para ma-address ang patuloy na diskriminasyon laban sa kanila, at mabigyan sila ng avenue para makilahok sa policy formulation ng gobyerno.

Read More:  Palace rejects VP Sara’s remarks on 2028 elections

Pangungunahan ng DSWD ang naturang komite, at Co-chair ang DMW, DOLE, at DILG.

Habang myembro ng committee ang DEpEd, DOJ, DOH at CHED.