𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟 𝗣𝗔; 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Walang naitalang paggalaw sa presyo ng mga prutas isang araw bago ang Noche Buena sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Olive Espinosa, Fruit Vendor sa National Highway ng Brgy. Cabaruan, wala aniyang pagbabago sa mga presyo ng mga prutas na karaniwang inihahain tuwing pasko at bagong taon.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dagdag pa ni Espinosa, hindi na rin aniya sila magtataas ng presyo sa mga araw bago ang Media Noche.

Samantala, matumal pa sa ngayon ang bentahan ng mga prutas subalit umaasa ang mga tinder na sa darating na bagong taon ay magdadagsaan na ang mga mamimili.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Hinihikayat naman ng mga tindera ang publiko na habang maaga pa ay bumili na sila ng mga prutas para hindi na sila makipagsiksikan sa mga susunod na araw.