Make-up artist ni Pia dinipensahan ang artist sa isyung stolen contacts

Umalma ang make-up artist ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Justin Soriano sa mga alegasyong kinuha umano ng beauty queen ang contacts upang makapasok sa isang fashion industry.

Sa comment section sa isang Instagram post ni Pia, sinagot ni Soriano ang isang basher na sinabihang nandaya umano ang beauty queen upang makakuha ng connections. Giit niya walang ninakaw si Pia at hindi rin aniya magnanakaw ang beauty queen.

Nilinaw rin ni Soriano na matagal nang well connected si Pia sa ilang sikat na industriya dahil dumalo na ito sa ilang fashion shows noong naging Miss Universe ito.