Katakot-takot na karanasan ang nangyari sa isang piloto sa South Africa na si Rudolf Erasmus matapos itong magkapasahero ng isang makamandag na ahas sa kanyang flight.
Ayon kay Rudolf, patungo sila sa Nelspruit ng kanyang apat na pasahero, nang biglang may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan, tila meron umanong malamig na bagay sa pagitan ng kanyang legs at hip na karaniwang nilalagyan niya ng bote ng tubig kaya ang buong akala niya ay tumutulo lamang ito.
Subalit nang ito ay kanyang silipin, halos takasan siya ng ulirat, dahil isang makamandag na ahas pala ang kanina pang gumugulo sa kanya.
Dahil diyan, agaran siyang nag anunsyo ng emergency landing sa pinaka malapit na lugar na alam niya at yun ay ang Welkom, sinabi niya sa kanyang mga pasahero ang sitwasyon na meron umanong unwelcomed passenger na nakapasok sa kanilang byahe.
Matapos ang ligtas na paglanding agad silang nagsipaglabasan, saka tumawag ng mga taong mag checheck para sa naturang eroplano, ngunit ng ito ay kanilang hinahanap hindi na ito muling nagpakita o natagpuan pa, tanging hiling na lamang nila na sana nakalabas na ito at hindi na muling bumalik pa.###CD