Modern type PUV sa Naga City, inilusad na

NAGA CITY – Isinagawa na kahapon ang launching ng modern type na Public Utility Vehicle (PUV) sa Naga City na kung saan 10 units nito ang tumakbo na sa mga main streets ng lungsod mula sa City Hall.

Ang okasyon ay dinaluhan ng mga City Officials. Dumalo rin si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Regional Director General Antonio Gardiola Jr.at mga personahe ng Land Transportation Office (LTO).

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kompleto sa amenities tulad ng aircon , may mini-tv sa loob at free wifi pa. May card na bibilhin ang pasahero na ang halaga ay 50 pesos.

Samantala inihayag naman ni Mayor Legacion na limitado pa lamang ang tatakbuhin ng modern type PUV at ang tanging papalitan nito ay ang mga mga lumang lumang jeep na hindi na puwedeng tumakbo.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang tanging rota ng mga ito ay mula sa centro ng Naga hanggang sa Barangay Del Rosario at Almeda high-way vice versa.