Makabayan lawmaker, kinuwestyon ang muling pagdepensa ni VP Duterte sa kaniyang hinihiling na confidential funds

May bagong pasaring si House Deputy Minority Leader ACT-Teachers party-list Rep. France Castro kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay makaraang depensahan ni Duterte ang kaniyang hiling na confidential funds kung saan – sinabi pa nitong ang mga kumokontra sa kaniyang request na pondo ay kumokontra rin sa kapayapaan at development ng bansa.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Tanong tuloy ni Castro – ano na ang nangyari sa naging pahayag noon ni Duterte na kayang mabuhay ng kaniyang opisina nang walang confidential funds.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kataka-taka raw kasi na nakikipaglaban pa rin ang Bise Presidente sa kaniyang ‘secret’ funds gayong tinapyas na nga ito ng Kongreso.

Tila nangga-gaslight na raw kasi si Duterte sa mga nais ng transparency at accountability sa paggasta ng kaban ng bayan.