Na-arestong kontrobersyal na drag artist na si Pura Luka Vega, nanindigan pa rin sa kaniyang ‘art’

Nanindigan ang kontrobersyal na drag artist na si Amadeus Fernando Pagente – ‘o mas kilala sa kaniyang drag name na ‘Pura Luka Vega’ na ‘injustice’ ang ginawang pag-aresto sa kaniya.

Sabi ni Pura, nagulat na lang daw siya nang makita niya ang mga pulis sa tapat ng kaniyang tahanan sa Sta. Cruz sa Maynila.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Muli naman niyang idiniin na wala siyang natanggap na subpoena mula sa Manila Court kaya ‘di siya dumadalo sa mga pagdinig.

Sa huli, nanindigan si Pura sa kaniyang ‘art’.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Samantala, nag-trending naman sa X ang ‘drag is not a crime’.

Ayon sa mga taga-suporta ng drag industry sa Pilipinas, dapat daw ay palayain si Pura.

Naglunsad din crowdfunding ang mga taga-suporta ng drag artist para mabayaran ang kaniyang piyansa na P72,000.