Makabayan bloc – plano raw maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte dahil sa isyu ng confidential funds

Plano ng Makabayan Bloc sa Kamara na maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y hindi awtorisadong paggamit ng confidential funds noong nakaraang taon.

Ito’y matapos maibunyag sa budget briefing ng Commission on Audit na mayroon umanong 125 million pesos na confidential funds ang Office of the Vice President noong 2022.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ang pondo ay hindi bahagi ng 2022 General Appropriations Act.

Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative France Castro, pag-aaralan nila ang posibilidad na mapanagot ang pangalawang pangulo kung mapatutunayan ang paglabag.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Kabilang na rito ang misuse of public funds, technical malversation at paglabag sa Konstitusyon.

Iginiit ni Castro na kailangang magpaliwanag si Duterte kung paano ito nakapaglaan ng 125 million pesos na confidential expenses sa huling anim na buwan ng 2022 kahit na walang Congressional authorization ang kanyang tanggapan.