Makabayan bloc, dismayado sa pagpilit na maisabatas ang MIF

Malaki pa ang utang ng bansa at walang extra na pera, pero ipinipilit pa rin ang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund Bill.

Ito ang sinabi ng mga mambabatas mula sa Makabayan na kabilang sa tumututol sa panukala.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, na kapos na nga ang bansa sa pondo at kung may extra mang salapi , ito ay galing sa Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at Banko Sentral ng Pilipinas na dapat direktang itulong sa mga mamamayan.

Batay sa pinakahuling report ng Bureau of Treasury, ang utang ng national government ay pumalo  sa bagong record high na P13.91-T hanggang nitong katapusan ng Abril. // CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *