Masungit na panahon at layo ng pupuntahan kasama sa mga rason sa mababang resulta ng MR-OPV SIA 2023 sa Tinambac, Camarines sur

CAMARINES SUR- 56.84% lamang ang naabot ng Tinambac Camarines Sur sa ibinigay na target sa Measles Rubella – Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) 2023, pangalawa sa pinakababang porsyento isang araw bago ang pagtatapos ng malawakang aktibidad.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Health Officer Dr. John Paul Reazon , sinabi nitong masungit ang panahon nitong mga nagdaang linggo, hindi paborable para puntahan ang mga sitio at mga coastal barangays, malayo rin aniya ang ibang mga komunidad. Bukod pa rito mataas rin ang ibinigay sa kanilang target, mas marami sa projected ng MHO.  Maliban pa ito sa ilang mga magulang na ayaw pabakunahan ang anak.

Gayunpaman, sinikap nila kahapon na madagdagan pa ang bilang ng nabakunahan dahil sa record ng Department of Health- Bicol  noong Mayo 30, mahigit 3,800 pa na mga batang edad 0-59 months old unvaccinated laban sa tigdas at polio.

Sa mga kuhang larawan at video ng DOH Bicol, makikita ang sakripisyo ng mga bakunador; ilang ilog at mga sapa ang dinaraanan, tinatawid ang karagatan at inaakyat ang mga kabundukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *