P6-B utang ng CHED: Ilang pribadong unibersidad, kolehiyo, posibleng magsara – solon

Nanawagan si Northern Samar 1st District Representative Paul Daza  sa Department of Budget and Management  at sa economic managers na agad bayaran ang pagkakautang ng Commission on Higher Education sa maraming pribadong unibersidad at kolehiyo sa bansa upang maiwasan ang posibleng pagsasara ng mga ito.

Ayon kay Daza, umaabot ng P6-B ang utang ng CHED sa iba’t-ibang paaralan.

Ang utang ay mula sa Tertiary Education Financial Assistance para sa mga mahihirap na estudyante sa ilalim ng Republic Act 10931 o Free Access to Tertiary Education Act.

Paliwanag pa ng mambabatas, lumabas sa mga ginawang pagdinig ng House Committee on Higher Education, na kulang ang pondo na inilaan ng DBM sa CHED para sa naturang programa.

Dahil dito, tututukan aniya ng House Committee on Appropriations na mapondohan ang budget ng programa sa susunod na taon. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *