Makabagong paraan ng pagtutuyo ng palay, isinusulong sa “Portasol Project” ng DOST at DAR

BICOL – INAASAHANG mabebenepisyuhan ang mga magsasakang Albayano ng Portable Solar o “Portasol” project ng Department of Agrarian Reform at  Department of Science and Technology-Bicol o DOST-Bicol na nagsusulong sa makabagong paraan ng pagtutuyo ng palay.

Ang naturang 630,000 worth na proyekto o “Upgrading the Drying Process of Palay through Portasol Technology” ay may layuning matulungan ang mga magsasakang mapabuti ang kalidad ng dried palay gayundin ang pag aadopt ng mas “hygienic” na drying process at storage.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tatanggap naman ang kada benepisyaryo ng tig-dalawang units ng Portasol Dryer Multi-Purpose Drying Tray habang ang DOST naman ang syang mangunguna sa pagsasailalim sa mga ito sa pagsasanay ukol sa proper handling and operation ng ekipahe, technical assistance, gayundin ang magsasagawa ng regular na monitoring and evaluation.

Ayon sa DOST, dinisenyo ang Portasol project sa layuning matulungan ang mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa pamamagitan ng pag-adopt ng makabagong teknolohiya at pag upgrade ng kanilang ekipahe at makinarya.  

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang Portasol din ay “stackable set of thermal drying trays” na kayang mag-accommodate ng hanggang 150 kilos ng tutuyuing palay. Layon din nitong palitan ang tradisyunal na pamamaraan tulad ng pagtutuyo sa kalsada kung saan maraming palay ang nasasayang at peligroso rin sa para sa mga magsasaka at motorista.