Inihayag ni President Ferdinand Marcos Jr. na maaring makatanggap ang mga manggagawa ng gobyerno ng rice allowance, sa oras na patuloy na maisulong ang food security ng gobyerno sa Pilipinas.
Ayon kay Marcos, ang pagbibigay ng rice allowances ay bahagi ng istratehiya ng gobyerno para mare-organisa ang buong value chain system ng agricultural production.
Inaasahan din ng pangulo na ang naturang hakbang ay makakatulong sa mga rice traders na makakuha ng mas maraming kita.
Ang naturang programa umano ay naglalayun na matulungan na ma-improve ang daily meals ng mga Pilipino, at ma-augment ang kanilang budget sa gitna ng tumataas na presyo sa mga pangunahing bilihin.
