Maikling masters’ degree program sa nursing – sagot ng CHED sa kakulangan ng teachers

Ilulunsad ng Commission on Higher Education (CHED) sa susunod na linggo ang isang ‘short-term masteral ‘para tugunan ang kakulangan ng mga guro sa mga nursing schools.

Sa Laging Handa public briefing – sinabi ni CHED chairperson Prospero de Vera III na kulang ang mga kuwalipikadong guro sa mga nursing school dahil kinakailangan nilang makakuha ng Master’s Degree sa nursing bago sila payagang makapagturo.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Maliban pa rito, nare-recruit din ang mga may masters’ degree na para mag-trabaho sa ibang bansa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bago ito, una nang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa ang pagkabahala sa kakulangan ng mga nars sa mga ospital ng gobyerno, kung saan 4,500 plantilla items para sa mga nurse ang kasalukuyang bakante sa mahigit 70 ospital ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.//YMB