Mahilig mangutang at mangako pero mahirap hanapin, inireklamo!

Wanted ngayon sa mga nakausap niya ang isang taong mahilig raw mangutang at mangako pero mahirap hanapin sa Puerto Princesa City.

Isa-isang lumutang sa Brigada nitong Lunes June 13, 2022 ang dalawa sa marami umanong mga biktima nito sa lungsod na parehong inutangan ng pera.

Ayon sa unang nagreklamo, nagpa-cash in noong May 22, 2022 sa isang tindahan ng 1, 500 pesos ang suspek pero nang hanapan na ito ng pera ay sinabi nitong wala pala siyang dala dahil nakalimutan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Palusot nito sa biktima, pina-send lang at hindi niya talaga iyon pera.Matapos raw mangako na mag-aabuno ay hanggang ngayon ay hindi pa ito nagbabayad at nagpapakita.

Ayon sa isang nagreklamo na si Rhea, sinanglaan ang kanyang asawa ng suspek ng alahas noong taong 2020 sa halagang 500 pero may damage at nang gusto nila itong papalitan sa suspek ay hindi na ito nagpakita matapos makuha ang bayad at mangako na papalitan ang sirang alahas.

Mahilig daw itong mangako pero nang i-post sa social media ang pangalan ay nagalit pa ito at nagbantang babalikan ng kaso ang nagreklamo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, depensa ng inirereklamo na si Roger Santos Caber alyas “Batute”, hindi niya tinatakasan ang mga nakausap, sinanglaan at pinangakuan ng serbisyo kaya hindi raw siya dapat husgahan.

Hindi rin daw siya nag-tatalpak kaya hindi raw dapat ito iugnay sa kanyang atraso.

Sa panayam ng Brigada ay muli itong nangako sa mga nagreklamo na makikipag-usap at magbabayad ng napagkasunduan pero hiniling nito na huwag siyang husgahan.