Mahigit P100K halaga ng shabu, nasamsam sa isang search warrant operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Aabot sa mahigit P100K halaga ng droga ang nasamsam sa ikinasang search warrant operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay katuwang ang Phippine National Police (PNP) Legazpi sa Brgy. Sabang, Legazpi City.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Timbog sa nasabing operasyon ang tatlong suspek na kinilalang sina Benex Duka y Novelo, Gil Cabiles at Nimfa Duka.

Narekober ng mga otoridad ang 10 piraso ng umano’y shabu na may timbang na 15 gramos at iba pang non-drug paraphernalia.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa ngayon, nasa kamay na ng PDEA Albay ang mga suspek, at inihahanda naman ang kasong isasampa na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.