LEGAZPI CITY – Sugatan ang isang lolo matapos tagain ng itak at hampasin ng kawayan ng dalawang suspek sa Brgy. Pinamaniquian, Ligao City.
Kinilala ang biktima na si Juanito Nipay Atienza, 67 anyos, isang magsasaka at residente ng Purok 3 ng nasabing barangay, habang ang mga suspek naman ay sina Roman Balonzo Rombaon, isa ring residente ng nabanggit na barangay at si Roberto Balonzo Rombaon na residente ng Brgy. Bonga, Ligao City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Ligao CPS, nagkaroon ng inuman sa kanilang bahay ang biktima kasama ang mga suspek at nang matapos ito ay bumalik sila at gumawa ng gulo.
Sinubukang pakalmahin ng biktima ang mga suspek ngunit sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang itong tinaga ni Roman sa kaliwang mukha at dibdib, kasunod nito ay hinampas siya ni Roberto sa iba’t ibang bahagi ng katawan gamit ang kawayan
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente, habang agad namang dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng agarang lunas dahil sa tinamog sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para sa posibleng pagdakip sa mga suspek at patuloy pa ring inaalam ng ang dahilan ng away ng mga suspek at biktima.