LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na umaabot na sa 484 na Family Food Packs at 121 na hygiene kits ang nabigyan na mga apektadong pamilya na nagsilikas sa kanilang tahanan dahil sa pagsabog ng Mt.Bulusan sa Sorsogon.
Ayon pa sa tanggapan, nasa mahigit 24K ang nakastandby o available na family food packs sa mga warehouse ng Legazpi, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.
Aabot din sa P767, 190.00 ang nakastandby fund na pagkukuhanan ng ahensya para sa emergency quick response fund.
Sa huling report ng SWADT Sorsogon, kasalukuyan nang bumabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga evacuees matapos magdeklara ng decampment sa probinsya.