CAMARINES NORTE- Kusang loob na sumuko sa pulisya ang isang lalaki na akusado sa kasong panghahalay sa isang menor de edad Miyerkules ng tanghali.
Ayon sa ulat ng pulisya nagtungo sa himpilan ng Basud MPS ang akusadong kinilalang si alyas “Vin”, 32 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 3, Tuaca, Basud, Camarines Norte.
Ang nasabing personahe ay mayroong warrant of arrest sa kasong Rape in relation to RA 7610 o Child Abuse na ipinalabas ni Presiding Judge Rene Morallo De La Cruz, ng Family Court, Fifth Judicial Region Branch 5 at walang inirekomendyang piyansa.
Si alyas Vin ay ika lima sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa Basud at ika- anim naman sa Probinsiya.
Nasa kustodiya na ito ngayon ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.
