Inflation rate noong Mayo sa Camarines Norte sumirit sa antas na 3.1 %

CAMARINES NORTE- Bumilis pa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Mayo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa lalawigan ang antas na 3. 1 percent headline inflation na mas mataas sa 2.2 percent noong Abril.

Mas mababa naman ito kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 7. 2 percent.

Ito na ang pinakamataas na inflation na naitala  sa lalawigan  mula Enero ng taong kasalukuyan.

Ang pangunahing dahilan ng pagsisrit ng inflation ay ang Financial Services at  ang gastos sa transportasyon at pagtaas ng presyo ng ‘food and non- alcoholic beverages.’

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Sa kabila nito isa pa rin ang Camarines Norte sa may pinakamababang inflation sa buong rehiyon.

Pinakamabilis ang pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa Sorsogon at Albay sa antas na 6. 2 at at 5. 2 percent ayon sa pagkakasunod- sunod.

Sa kabuuan sa buong Bicol Region ay bahagya pang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa antas na 4. 9 percent.

Mas mataas ito kumpara sa 4. 2 percent noong Abril pero mas mababa naman kung ikukumpara sa 7. 1 percent sa kaparehong panahon noong isang taon.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Sa buong bansa ay sumirit ang inflation rate sa 5.4 percent noong Mayo kumpara sa 4.9 percent noong Abril.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.

Dati nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa domestic petroleum, mas mataas na presyo ng mga pangunahing pagkain, at ang mahinang piso ang pangunahing dahilan ng inflation noong Mayo.